Add parallel Print Page Options

24 At sinabi ni Samuel sa buong bayan, (A)Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, (B)Mabuhay ang hari.

Read full chapter

14 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa (A)Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon.

15 At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul (B)sa harap ng Panginoon; (C)at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon.

Read full chapter

10 At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin, ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel; (A)nguni't ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo, at nilito sila; at (B)sila'y nangabuwal sa harap ng Israel.

11 At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa, at hinabol ang mga Filisteo, at sinaktan sila, hanggang sa nagsidating sila sa Beth-car.

12 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng (C)isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer,[a] na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.

13 Sa gayo'y nagsisuko (D)ang mga Filisteo, at (E)hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel: at (F)ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 7:12 Sa makatuwid baga'y batong pangtulong.