Add parallel Print Page Options

Ang Hinulmang Tangke ng Tubig, Patungang Tanso, at Hugasang Tanso(A)

23 Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang tangke ng tubig.[a] Ito ay bilog na sampung siko mula sa labi hanggang sa kabilang labi, ang taas ay limang siko; at isang panukat na tali na may tatlumpung siko ang pabilog nito.

24 Sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga palamuting hugis upo, para sa tatlumpung siko, na nakaligid sa dagat-dagatan sa palibot. Ang mga palamuting hugis upo ay dalawang hanay, na kasama itong hinulma nang ito'y hulmahin.

25 Nakapatong ito sa labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan; at ang dagat ay nakapatong sa mga iyon, at ang lahat na puwitan ng mga iyon ay nasa loob.

26 Ang kapal nito ay isang dangkal; at ang labi niyon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na liryo; naglalaman ito ng dalawang libong bat.[b]

27 Siya'y gumawa rin ng sampung patungang tanso; apat na siko ang haba ng bawat isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas.

28 At ang pagkayari ng mga patungan ay ganito: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga dugtungan.

29 Sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga dugtungan ay may mga leon, mga baka, at mga kerubin. Sa itaas ng mga dugtungan ay mga sugpong na may tuntungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na mga gawang nakabitin.

30 Bawat patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga eheng tanso: at ang apat na paa niyon ay may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawat isa.

31 Ang bunganga nito ay nasa loob ng isang kapitel, at ang taas ay may isang siko; at ang bunganga niyon ay bilog ayon sa pagkayari ng tuntungan, na may isang siko't kalahati ang lalim. At sa bunganga niyon ay may mga ukit, at ang mga gilid ng mga iyon ay parisukat, hindi bilog.

32 Ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga ehe ng mga gulong ay kaisang piraso ng patungan; at ang taas ng bawat gulong ay isang siko at kalahati.

33 Ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karwahe, ang mga ehe ng mga iyon, at ang mga masa ng mga iyon, at ang mga rayos ng mga iyon at ang mga panggitna niyon ay pawang hinulma.

34 May apat na tukod sa apat na panulok ng bawat patungan: ang mga tukod ay karugtong ng mga patungan.

35 Sa ibabaw ng patungan ay may isang nakabalot na kalahating siko ang taas; at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay karugtong niyon.

36 Sa ibabaw ng mga panghawak niyon at sa mga gilid niyon, ay kanyang inukitan ng mga kerubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawat isa, na may mga tirintas sa palibot.

37 Ayon sa paraang ito ay kanyang ginawa ang sampung patungan; lahat ng iyon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo.

38 At(B) siya'y gumawa ng sampung hugasang tanso; ang bawat hugasan ay naglalaman ng apatnapung bat: bawat hugasan ay may apat na siko; at may isang hugasan sa bawat isa ng sampung patungan.

39 Kanyang inilagay ang mga patungan, lima sa gawing timog ng bahay, at lima sa gawing hilaga ng bahay; at kanyang inilagay ang tangke sa timog-silangang sulok ng bahay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 7:23 Sa Hebreo ay dagat .
  2. 1 Mga Hari 7:26 Bat: sukat ng tubig .

Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang lalagyan ng tubig; ito ay pabilog, sampung siko mula sa labi't labi, at ang taas nito ay limang siko; at ang sukat sa palibot ay tatlumpung siko.

Sa ilalim nito ay mga anyo ng mga baka na sampung siko na nakapaligid sa sisidlan ng tubig. Ang mga baka ay dalawang hanay na hinulmang kasama niyon.

Ito ay nakatayo sa ibabaw ng labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, at ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan. Ang sisidlan ng tubig ay nakapatong sa ibabaw ng mga iyon, at lahat ng kanilang bahaging likuran ay nasa paloob.

Ang kapal nito ay isang dangkal at ang labi nito ay yaring gaya ng labi ng isang saro, gaya ng bulaklak ng liryo, ito'y naglalaman ng tatlong libong bat.[a]

Gumawa(A) rin siya ng sampung hugasan, at inilagay ang lima sa timog, at lima sa hilaga. Sa mga ito nila huhugasan ang mga ginamit sa handog na sinusunog, at ang lalagyan ng tubig ay paliguan ng mga pari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Cronica 4:5 o 15,000 galong tubig .