Add parallel Print Page Options

Tumulong si Haring Hiram sa Pagpapatayo ng Templo(A)

Si Hiram na hari ng Tiro ay nagsugo ng kanyang mga lingkod kay Solomon nang kanyang nabalitaan na si Solomon ay kanilang binuhusan ng langis upang maging hari na kapalit ng kanyang ama; sapagkat si Hiram ay naging kaibigan ni David.

Si Solomon ay nagsugo kay Hiram, na sinasabi,

“Alam mo na si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon niyang Diyos dahil sa mga pakikidigma sa palibot niya sa bawat dako, hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kanyang mga paa.

Ngunit ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Diyos ng kapahingahan sa bawat dako; wala kahit kaaway, o kasawian man.

Kaya't(B) layunin kong magtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon kong Diyos, gaya ng sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, ‘Ang iyong anak na aking iluluklok sa iyong trono na kapalit mo ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’

Ngayo'y ipag-utos mo na ipagputol ako ng mga puno ng sedro sa Lebanon; at ang aking mga lingkod ay makakasama ng iyong mga lingkod at babayaran kita ng upa para sa iyong mga tauhan ayon sa iyong itatakda, sapagkat iyong alam na walang sinuman sa amin na nakakaputol ng mga troso na gaya ng mga Sidonio.”

Nang marinig ni Hiram ang mga salita ni Solomon, siya'y nagalak na mabuti, at nagsabi, “Purihin ang Panginoon sa araw na ito na nagbigay kay David ng isang pantas na anak upang mamahala sa dakilang bayang ito.”

At si Hiram ay nagsugo kay Solomon, na nagsasabi, “Narinig ko ang mensahe na iyong ipinadala sa akin. Aking gagawin ang lahat ng iyong ninanais tungkol sa troso na sedro at sipres.

Ibababa ang mga ito ng aking mga lingkod sa dagat mula sa Lebanon, at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong ituturo, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin; at tutugunan mo ang aking mga nais sa pagbibigay ng pagkain sa aking sambahayan.”

10 Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Solomon ng lahat ng troso ng sipres na kanyang ninais.

11 Binigyan naman ni Solomon si Hiram ng dalawampung libong takal na trigo na pagkain ng kanyang sambahayan, at dalawampung takal na purong langis. Ito ang ibinibigay ni Solomon kay Hiram taun-taon.

12 Kaya't binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan, gaya ng kanyang ipinangako sa kanya; at may kapayapaan sa pagitan ni Hiram at ni Solomon, at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.

13 Si Haring Solomon ay nagpataw ng sapilitang paggawa sa buong Israel at ang mga pinatawan ay tatlumpung libong lalaki.

14 Kanyang(C) sinugo sila sa Lebanon na sampu-sampung libo bawat buwan na halinhinan: isang buwan sa Lebanon, at dalawang buwan sa sariling bayan; at si Adoniram ang tagapamahala sa mga pinatawan.

15 Si Solomon ay mayroon ding pitumpung libong tagabuhat at walumpung libong tagatibag ng bato sa kaburulan,

16 bukod pa ang tatlong libo at tatlong daan na mga kapatas ni Solomon sa gawain, na namumuno sa mga taong gumagawa.

17 Sa utos ng hari, tumibag sila ng malalaki at mamahaling bato upang ilagay ang saligan ng bahay na may mga batong tinabas.

18 Kaya't ang mga tagapagtayo ni Solomon, at ang mga tagapagtayo ni Hiram at ang mga Gebalita ang pumutol at naghanda ng mga kahoy at ng mga bato upang itayo ang bahay.

'1 Mga Hari 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pakikipagtalastasan sa haring Hiram bagay sa pagpapatayo ng templo.

At si Hiram na (A)hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin (B)kay David.

(C)At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi,

Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa't dako, (D)hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa.

Nguni't ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Dios ng katiwasayan sa bawa't dako; (E)wala kahit kaaway, o masamang pangyayari man.

At, narito, ako'y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama, na nagsasabi, Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo, siya ang (F)magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.

Ngayon nga'y ipagutos mo na iputol nila ako ng mga puno ng sedro sa Libano; (G)at ang aking mga bataan ay makakasama ng iyong mga bataan: at aking bibigyan ka ng kaupahan sa iyong mga bataan ayon sa lahat na iyong sasabihin: sapagka't iyong talastas na wala sinoman sa amin na makapagdadaras ng mga kahoy ng gaya ng mga Sidonio.

At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon, na siya'y nagalak na mainam, at nagsabi, (H)Purihin ang Panginoon sa araw na ito, na nagbigay kay David ng isang pantas na anak, sa malaking bayang ito.

At si Hiram ay nagsugo kay Salomon, na nagsasabi, Aking narinig ang pasugo na iyong ipinasugo sa akin: aking gagawin ang iyong buong nasa tungkol sa kahoy na sedro, at tungkol sa kahoy na (I)abeto.

Ang aking mga bataan ay magsisipagbaba mula sa Libano hanggang sa dagat: at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong pagtuturuan sa akin, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin: at iyong tutuparin ang aking nasa, sa pagbibigay ng pagkain (J)sa aking sangbahayan.

10 Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Salomon ng kahoy na sedro, at kahoy na abeto ayon sa kaniyang buong nasa.

11 At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan, at dalawang pung takal na taganas na langis; (K)ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon.

12 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; (L)at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.

13 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.

14 At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si (M)Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag.

15 At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan (N)at walong pung libong mangdadaras sa bundukin:

16 Bukod pa ang mga (O)kapatas ni Salomon na nasa gawain, na tatlong libo at tatlong daan, na nagpupuno (P)sa mga taong nagsisigawa ng gawain.

17 At ang hari ay nagutos, at nagsitibag sila ng malalaking bato, ng mga mahahalagang bato, upang ilagay ang tatagang-baon ng bahay (Q)na gumagamit ng mga batong tabas.

18 At tinabas ng mga tagapagtayo ni Salomon, at ng mga tagapagtayo ni Hiram at ng mga (R)Gebalita, at inihanda ang mga kahoy, at ang mga bato upang itayo ang bahay.