Add parallel Print Page Options

76 At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon.

Read full chapter

27 (A)At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang (B)Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.

28 At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;

29 Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.

30 At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;

31 Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.

32 At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, (C)ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.

33 Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Read full chapter