Add parallel Print Page Options

Ang Gawain ng mga Pari

24 Ito ang mga pangkat ng mga angkan ni Aaron: ang mga anak niya ay sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar. Sina(A) Nadab at Abihu ay naunang namatay kaysa kay Aaron at wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naging mga pari. Sa tulong nina Zadok na anak ni Eleazar, at ni Ahimelec na anak ni Itamar, ang mga kabilang sa angkan ni Aaron ay hinati ni David sa mga pangkat at binigyan ng kani-kanilang tungkulin. Marami ang pinuno ng mga sambahayan sa angkan ni Eleazar kaysa kay Itamar. Kaya sa dalawampu't apat na pangkat, labing-anim ang napili mula sa angkan ni Eleazar at walo naman ang kay Itamar. Pinili sila ni David sa pamamagitan ng palabunutan sapagkat maging sa angkan ni Eleazar at ni Itamar ay may mga tagapangasiwa sa loob ng dakong banal at may mga tagapanguna sa pagsamba. Si Semaias na anak ng Levitang si Netanel ang naglista ng mga pangalan, at ginawa niya ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng angkan ng mga pari at Levita. Isang sambahayan ng mga pari ang inilista sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar.

7-18 Ito ang pagkakasunud-sunod ng paglilingkod mula sa una hanggang sa ikadalawampu't apat na pangkat ayon sa palabunutan: Jehoiarib, Jedaias, Harim, Seorim, Malaquias, Mijamin, Hacos, Abias, Jeshua, Secanias, Eliasib, Jaquim, Jupa, Jesebeab, Bilga, Imer, Hezer, Afses, Petaya, Hazaquiel, Jaquin, Gamul, Delaias, Maasias.

19 Ito ang kaayusan at takdang panahon ng paglilingkod nila sa Templo ni Yahweh ayon sa itinatag ng kanilang ninunong si Aaron, gaya ng utos sa kanya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Ang Listahan ng mga Levita

20 Ito ang iba pang mga pinuno ng mga angkan sa lipi ni Levi: si Subael sa angkan ni Amram at si Jehedias sa angkan ni Subael; 21 si Isias na isang pinuno sa angkan ni Rehabias; 22 si Zelomot sa angkan ng Isharita, at si Jahat sa angkan ni Zelomot; 23 sina Jerias, Amarias, Jahaziel, at Jecamiam sa angkan ni Hebron; 24 si Micas sa angkan ni Uziel; si Samir sa angkan ni Micas; 25 si Isias na kapatid ni Micas at si Zacarias sa angkan ni Isias; 26 sina Mahli at Musi sa angkan ni Merari; si Beno sa angkan ni Jaazias; 27 sina Beno, Soham, Zacur at Ibri, mga anak ni Jaazias sa angkan ni Merari. 28-29 Si Mahli ay may dalawang anak, sina Eleazar at Kish. Si Eleazar ay walang anak, ngunit si Kish ay mayroong isang anak, si Jerameel. 30 Sina Mahli, Eder at Jerimot ay mga anak ni Musi.

Sila ang mga angkan ng mga Levita. 31 Ang mga ito, tulad ng mga kamag-anak nila mula sa angkan ni Aaron ay nagpalabunutan din maging sila'y pinuno ng sambahayan o hindi. Sinaksihan ito ni Haring David, nina Zadok at Ahimelec, at ng mga pinuno ng sambahayan ng mga pari at mga Levita.

'1 Paralipomeno 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagkakabahagi ng mga anak ni Aaron.

24 At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. (A)Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

Nguni't si (B)Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.

At si David na kasama ni (C)Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.

At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo (D)sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.

Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng (E)sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.

At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.

Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;

Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;

Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;

10 Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;

11 Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;

12 Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;

13 Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;

14 Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;

15 Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;

16 Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;

17 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;

18 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.

19 Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, (F)upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Ang iba pang mga anak ni Levi.

20 At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.

21 Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.

22 Sa mga Isharita, si (G)Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.

23 At sa mga anak ni (H)Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.

24 Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni (I)Micha, si Samir.

25 Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.

26 (J)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.

27 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.

28 Kay Mahali: si Eleazar, (K)na hindi nagkaanak.

29 Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.

30 At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

31 Ang mga ito nama'y (L)nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.