Add parallel Print Page Options

Ang mga Anak ni Israel

Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Naftali, Gad at Asher.

Ang Lahi ni Juda

May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na Cananea. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Perez at Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda. Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hezron at Hamul. Lima lahat ang anak na lalaki ni Zera: sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda.[a] Ang anak na lalaki ni Carmi[b] ay si Acar.[c] Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang bagay na inilaan nang buo[d] para sa Dios. Ang anak na lalaki ni Etan ay si Azaria.

Ang Lahi na Pinagmulan ni David

Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.[e] 10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Nashon na pinuno ng lahi ni Juda. 11 Si Nashon ang ama ni Salmon,[f] at si Salmon ang ama ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed at si Obed ang ama ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Shimea, 14 ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, 15 ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David. 16 Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruya at Abigail. Si Zeruya ay may tatlong anak na lalaki, sina Abishai, Joab at Asahel. 17 Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ishmaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.

Ang Angkan ni Hezron

18 Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot. Sila ay sina Jesher, Shobab at Ardon. 19 Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrat[g] at ang naging anak nila ay si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel. 21 Noong 60 taong gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Makir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. 22 Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng 23 bayan sa Gilead. 23 (Dumating ang panahon na inagaw ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair[h] at ang Kenat, pati ang 60 bayan sa paligid nito.) Silang lahat ang angkan ni Makir na ama ni Gilead.

24 Kamamatay lang ni Hezron sa Caleb Efrata nang manganak ang asawa niyang si Abijah. Ang anak niya ay si Ashur na ama ni Tekoa.

Ang Angkan ni Jerameel na Anak ni Hezron

25 Ito ang mga anak na lalaki ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron: Si Ram ang panganay, sumunod sina Buna, Oren, Ozem at Ahia. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam. 27 Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Eker.

28 Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Shamai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Shamai ay sina Nadab at Abishur.

29 Ang pangalan ng asawa ni Abishur ay Abihail. May mga anak silang lalaki, sina Aban at Molid.

30 Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.

31 Ang anak na lalaki ni Apaim ay si Ishi. Si Ishi ang ama ni Sheshan at si Sheshan ang ama ni Alai. 32 Ang mga anak na lalaki ni Jada na kapatid ni Shamai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. 33 Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Silang lahat ang angkan ni Jerameel.

34 Walang anak na lalaki si Sheshan, kundi puro babae. May alipin siyang Egipcio na ang pangalan ay Jarha. 35 Ibinigay ni Sheshan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad, 37 si Zabad naman ang ama ni Eflal, si Eflal ang ama ni Obed, 38 si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azaria. 39 Si Azaria ang ama ni Helez, si Helez ang ama ni Eleasa, 40 at si Eleasa ang ama ni Sismai. Si Sismai ang ama ni Shalum, 41 si Shalum ang ama ni Jekamia, at si Jekamia ang ama ni Elishama.

Ang Iba pang Angkan ni Caleb

42 Ang panganay na anak na lalaki ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresha na ama ni Hebron. 43 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem at Shema. 44 Si Shema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorkeam. Si Rekem ang ama ni Shamai, 45 si Shamai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet Zur.

46 Ang isa pang asawa ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gazez. May anak si Haran na Gazez din ang pangalan.

47 Ang mga anak na lalaki ni Jadai ay sina Regem, Jotam, Geshan, Pelet, Efa at Shaaf.

48 Ang isa pang asawa ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Sheber, Tirhana, 49 Shaaf na ama ni Madmana at Sheva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa. 50 Sila ang angkan ni Caleb.

Ang Angkan ng Anak ni Caleb na si Hur.

Si Hur ang panganay na anak ni Caleb at ni Efrata. Ang mga anak na lalaki ni Hur ay sina Shobal na ama ni Kiriat Jearim, 51 si Salma na ama ni Betlehem, at si Haref na ama ni Bet Gader. 52 Ang angkan ni Shobal na ama ni Kiriat Jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Manahat,[i] 53 at ang angkan ni Kiriat Jearim ay ang mga Itreo, Puteo, Sumateo at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zoratita at mga Estaolita.

54 Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Betlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot Bet Joab, ang kalahati ng mga Manahateo, at ang mga Zorita. 55 Ang lahi ng mga Tirateo, Shimeateo at Sucateo na magagaling sumulat ng mga dokumento ay nakatira sa bayan ng Jabez. Sila ang mga Keneo na nagmula kay Hamat, na ama ng pamilya ni Bet Recab.[j]

Footnotes

  1. 2:6 Darda: o, Dara.
  2. 2:7 Carmi: Maaaring siya ay anak ni Zimri.
  3. 2:7 Acar: o, Acan.
  4. 2:7 inilaan nang buo: Mga samsam na nakalaang sirain lahat bilang handog sa Dios.
  5. 2:9 Caleb: sa Hebreo, ay Kelubai.
  6. 2:11 Salmon: sa Hebreo, Salma.
  7. 2:19 Efrat: o, Efrata.
  8. 2:23 mga bayan ni Jair: o, Havot Jair.
  9. 2:52 naninirahan sa Manahat: o, Manahateo.
  10. 2:55 Recab: o, Pinagmulan ng angkan ni Recab.
'1 Paralipomeno 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga anak ni Hesron.

Ito ang mga anak ni Israel: (A)si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon;

Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

(B)Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.

At ipinanganak sa kaniya ni (C)Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.

Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.

At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.

At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na (D)gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.

At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.

Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at (E)si Ram, at si Chelubai.

10 At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;

11 At naging anak ni Nahason si (F)Salma, at naging anak ni Salma si (G)Booz;

12 At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai;

13 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si (H)Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;

14 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;

15 Si Osem ang ikaanim, si (I)David ang ikapito:

16 At (J)ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.

17 (K)At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.

18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.

19 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.

20 At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

21 At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.

22 At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.

23 At sinakop ni Gesur at ni Aram (L)ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.

24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa.

Ang mga anak ni Juda:—ni Jerameel; ni Caleb; at ni David.

25 At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.

26 At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.

27 At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.

28 At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur.

29 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.

30 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.

31 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. (M)At ang mga anak ni Sesan: si Alai.

32 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.

33 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.

34 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.

35 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.

36 At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad;

37 At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed.

38 At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias;

39 At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa;

40 At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum;

41 At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama.

42 At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.

43 At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema.

44 At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai.

45 At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.

46 At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.

47 At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.

48 Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.

49 Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.

50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay (N)ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

51 Si Salma na ama ni Beth-lehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.

52 At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.

53 At ang mga angkan ni Chiriathjearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.

54 Ang mga anak ni Salma: ang Beth-lehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.

55 At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito (O)ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng (P)sangbahayan ni Rechab.