Add parallel Print Page Options

At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.

Read full chapter

Si David ay hari sa Israel at Juda.

Nang magkagayo'y (A)naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, (B)kami ay iyong buto at iyong laman.

Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw (C)ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: (D)Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel.

Sa gayo'y (E)nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa (F)Hebron: (G)at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron (H)sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel.

Read full chapter

Ang Sion ay kinuha.

At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa (A)Jerusalem laban sa mga (B)Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.

Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; (C)na siyang bayan ni David.

At sinabi ni David nang araw na yaon, Sino mang sumakit (D)sa mga Jebuseo, ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig, at saktan ang pilay at ang bulag, na kinapopootan ng kaluluwa ni David. Kaya't kanilang sinasabi, Mayroong bulag at pilay; hindi siya makapapasok sa bahay.

At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David. At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa (E)Millo, at sa loob.

10 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon na Dios ng mga hukbo, ay sumasa kaniya.

Read full chapter