1 Corinto 12:10
Ang Biblia (1978)
10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (A)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (B)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (C)pagpapaliwanag ng mga wika.
Read full chapter
1 Corinto 12:18
Ang Biblia (1978)
18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
Read full chapter
1 Corinto 14:3-6
Ang Biblia (1978)
3 Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa (A)ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw.
4 Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay (B)nagpapatibay sa iglesia.
5 Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, (C)maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.
6 Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangin sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng (D)pahayag, o ng (E)kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978