Ezekiel 41:6-9
Ang Biblia (1978)
6 At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, (A)patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay.
7 At ang mga tagilirang silid (B)ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid.
8 Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot: ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay (C)buong tambo na anim na malaking siko ang haba.
9 Ang kapal ng pader, na nasa mga tagilirang silid, sa dakong labas, ay limang siko: at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay.
Read full chapter
1 Mga Hari 6:5
Ang Biblia (1978)
5 At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa (A)sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran (B)sa palibot:
Read full chapter
1 Mga Hari 6:8
Ang Biblia (1978)
8 Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978