Exodo 27:16
Ang Biblia (1978)
16 At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng (A)isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo'y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao'y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao'y apat.
Read full chapter
Exodo 28:39
Ang Biblia (1978)
39 At iyong hahabihin ang kasuutan na anyong parisukat, na lino, at iyong gagawin ang mitra na lino, at iyong gagawin ang pamigkis na yari ng mangbuburda.
Read full chapter
Exodo 39:29
Ang Biblia (1978)
29 At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Read full chapter
Mga Hukom 5:30
Ang Biblia (1978)
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978