Add parallel Print Page Options

Dahil sa mga ginawa kong ito akala ko igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Pero lalo pa silang nagpakasama.

Kaya kayong tapat na mga taga-Jerusalem, hintayin ninyo ang araw na uusigin ko ang mga bansa. Sapagkat napagpasyahan kong tipunin ang mga bansa at ang mga kaharian para ibuhos sa kanila ang matindi kong galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Pagkatapos, babaguhin ko ang mga tao,[a] para lahat silaʼy lalapit sa akin at magkakaisang maglilingkod sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:9 babaguhin … tao: sa literal, papalitan ko ng malinis na labi ang labi ng mga tao.