Add parallel Print Page Options

12-13 Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon,[a] at itatayo niyang muli ang aking templo. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. Ang pari ay tatayo sa tabi ng kanyang trono[b] at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’ 14 Ang korona ay ilalagay sa aking templo bilang pag-alaala kina Heldai,[c] Tobia, Jedaya, at Josia[d] na anak ni Zefanias.”

15 May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:12-13 lalago … ngayon: sa literal, tutubo sa kanyang pinagtaniman.
  2. 6:12-13 tatayo … trono: o, uupo sa kanyang trono.
  3. 6:14 Heldai: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Helem.
  4. 6:14 Josia: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Hen.