Add parallel Print Page Options

Tinawagan ang mga Dinalang-bihag

10 “Magmadali kayo!” sabi ni Yahweh. “Umalis kayo sa lupain sa hilaga, kayo na parang ipang inilipad ng hangin sa apat na sulok ng daigdig. 11 Magmadali kayo! Mga taga-Zion na naninirahan sa Babilonia, umuwi na kayo!”

12 Pagkatapos ng pangitaing ito, isinugo ako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa mga taong nanamsam sa kanyang bayan at ipinasabi ang ganito: “Sinumang lumaban sa aking bayan ay para na ring lumaban sa akin.

Read full chapter