Add parallel Print Page Options

Naalala ni Tobias ang bilin ni Rafael tungkol sa atay at puso ng isda. Kaya't kinuha niya ito sa kanyang lalagyan, sinunog kasama ng insenso sa isang sisidlan at pumasok sa silid na taglay ito. Lumaganap(A) sa silid ang usok, at naamoy ng demonyo. Tumakas ito patungong Egipto. Hinabol ito ni Rafael at nang abuta'y iginapos ang paa't kamay.

Ang Panalangin ni Tobias

Nang mapag-isa na ang mag-asawa, bumangon si Tobias at sinabi sa asawa, “Bumangon ka, mahal ko, at manalangin tayo. Manalangin tayo sa Panginoon na tayo'y kahabagan at ingatan.”

Read full chapter