Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat sa nakaraang panahon, tayo rin naman ay mga mangmang, mga masuwayin at mga iniligaw. Naging alipin tayo sa iba’t ibang masasamang pita at kalayawan. Namuhay tayo sa masamang hangarin at inggitan. Kinapootan tayo ng mga tao at napoot tayo sa isa’t isa. Ngunit nahayag ang kabutihan ng Diyos, na ating Tagapagligtas at ang kaniyang pag-ibig samga tao. Nang mahayag ito, iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan. Ito ay sa pamamagitan ng muling kapanganakang naghuhugas sa atin at sa pamamagitan ng Banal na Espiritung bumabago sa atin.

Read full chapter