Add parallel Print Page Options

Ang Dapat Ituro sa Iba’t Ibang Pangkat

Ngunit magsalita ka ng mga bagay na angkop sa mabuting aral.

Ang matatandang lalaki ay maging mapagpigil, may karapat-dapat na ugali, ginagamit nang mabuti ang isip, may mabuting pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis.

Sa ganoon ding paraan ang kilos ng mga matatandang babae ay maging karapat-dapat sa mga banal, hindi mga mapanirang-puri, hindi nagpaaalipin sa maraming alak. Sila ay maging mga guro ng mga bagay na mabuti.

Read full chapter