Add parallel Print Page Options

(A) ang pipiliin mo ay mga taong walang kapintasan, iisa lang ang asawa, at ang mga anak ay mananampalataya, hindi nanggugulo at hindi suwail. Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa,[a] hindi mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim. Sa halip ay bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, maka-Diyos, at marunong magpigil sa sarili.

Read full chapter

Footnotes

  1. Tito 1:7 Sa Griyego, obispo.