Add parallel Print Page Options

Piliin mo ang may magandang reputasyon,[a] isa lang ang asawa, ang mga anak ay mananampalataya at hindi napaparatangang magulo o matigas ang ulo. Sapagkat kailangang maganda ang reputasyon ng isang namumuno bilang tagapangasiwa sa gawain ng Dios. Dapat ay hindi siya mayabang, hindi mainitin ang ulo, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman sa pera. Sa halip ay dapat bukas ang kanyang tahanan sa kapwa, maibigin sa kabutihan, marunong magpasya kung ano ang nararapat,[b] matuwid, banal at marunong magpigil sa sarili.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:6 may magandang reputasyon: o, walang kapintasan.
  2. 1:8 marunong magpasya kung ano ang nararapat: o, mapagpigil sa sarili.