Add parallel Print Page Options

Ang Mga Ginawa ni Tito sa Creta

Ang dahilan kung bakit kita iniwan sa Creta ay upang ayusin mo ang mga bagay na kulang at upang magtalaga ka ng mga matanda sa bawat lungsod. Italaga mo sila gaya ng iniutos ko sa iyo.

Ito ang aking utos: Italaga mo ang lalaking walang maipupula ang sinuman at may isang asawa. Ang kaniyang mga anak ay mga mananampalataya, dapat na hindi mapapa­ratangan ng walang pagpipigil o masuwayin. Ito ay sapagkat dapat na walang maipaparatang sa tagapangasiwa bilang katiwala ng Diyos. Hindi niya dapat ipagpilitan ang kaniyang sariling kalooban at hindi madaling magalit. Siya ay hindi dapat manginginom ng alak, hindi palaaway at hindi gahaman sa salapi.

Read full chapter