Add parallel Print Page Options

16 Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isa’t isa. Manalangin kayo para sa isa’t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.

17 Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob ng tatlo at kalahating taon. 18 Muli siyang nanalangin at ang langit ay nagbuhos ng ulan, at ang lupa ay nagbigay ng ani.

Read full chapter