Add parallel Print Page Options

16 Kaya't ipagtapat ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa at magdalanginan upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa. 17 Si (A) Elias ay taong tulad din natin. Taimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan sa lupain sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At (B) nang siya'y manalangin upang umulan, bumuhos ang ulan mula sa langit at mula sa lupa'y sumibol ang mga halaman.

Read full chapter