Add parallel Print Page Options

15 Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang naga­wang mga pagkakasala, siya ay patatawarin. 16 Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isa’t isa. Manalangin kayo para sa isa’t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.

17 Si Elias ay taong may damdamin ding tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan at hindi nga umulan sa lupa sa loob ng tatlo at kalahating taon.

Read full chapter