Add parallel Print Page Options

May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkaka­roon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nag­kakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi. Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan. Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos.

Read full chapter