Add parallel Print Page Options

Naghahangad kayo ngunit hindi mapasainyo. Kaya't pumapatay kayo. Hindi ninyo makuha ang mga bagay na hinahangad ninyo kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo makuha ang inyong hinahangad dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. Kung humingi man kayo, hindi rin ninyo matatanggap sapagkat hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang gamitin sa inyong kalayawan. Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.

Read full chapter