Add parallel Print Page Options

Pagpapaamo ng Dila

Mga kapatid ko, nalalaman ninyo na tayong mga guro ay tatanggap ng lalong higit na kahatulan. Kaya nga, huwag maging guro ang marami sa inyo.

Ito ay sapagkat tayong lahat sa maraming paraan ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap at napipigil niya ang kaniyang buong katawan.

Narito, nilalagyan natin ng bokado ang bibig ng mga kabayo upang tayo ay sundin nila. Sa pamamagitan ng bokado ay naililiko natin ang buong katawan nila.

Read full chapter