Add parallel Print Page Options

10 gayundin (A) ang mayamang kapatid na ibinababa, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak sa parang. 11 Sumisikat ang araw na may matinding init at tinutuyo ang damo; nalalagas ang bulaklak nito at ang ganda nito'y kumukupas. Gayundin naman, ang mayaman ay lilipas sa gitna ng kanyang pagpapayaman.

Tukso at Pagsubok

12 Pinagpala ang taong nananatiling matatag sa gitna ng pagsubok; sapagkat kung siya'y magtagumpay, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

Read full chapter