Santiago 5:12
Ang Biblia, 2001
12 Ngunit(A) higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag ninyong ipanumpa ang langit o ang lupa, o ang anumang ibang panunumpa, kundi ang inyong “Oo” ay maging oo; at ang inyong “Hindi” ay maging hindi, upang kayo'y huwag mahulog sa ilalim ng kahatulan.
Read full chapter
Santiago 5:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Ngunit (A) higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa na saksi ninyo ang langit o ang lupa o ano pa man. Sapat nang sabihin ninyong “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo maparusahan.
Read full chapter
Isaias 66:1
Ang Biblia, 2001
Ang Paghatol ng Panginoon sa mga Bansa
66 Ganito(A) (B) ang sabi ng Panginoon:
“Ang langit ay aking trono,
at ang lupa ay aking tuntungan.
Ano ang bahay na inyong itatayo para sa akin?
At ano ang dako ng aking pahingahan?
Mateo 23:22
Ang Biblia, 2001
22 Ang(A) gumagamit sa langit sa pagsumpa ay nanunumpa sa trono ng Diyos at sa kanya na nakaupo doon.
Read full chapter
Mateo 23:22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 Ang (A) nanunumpa sa ngalan ng langit ay nanunumpa sa harapan ng trono ng Diyos at sa kanyang nakaupo roon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.