Add parallel Print Page Options

At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli[a] tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Cristo para mamatay, kaya hindi na tayo dapat alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:5 mabubuhay tayong muli: o, magkakaroon tayo ng bagong buhay.