Add parallel Print Page Options

Kaya ikaw, tao, akala mo ba'y makatatakas ka sa hatol ng Diyos kung humahatol ka sa iba ngunit gumagawa ka rin ng masasamang gawaing hinahatulan mo? O baka naman sinasamantala mo ang yaman ng kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga ng Diyos? Hindi mo ba naunawaan na ang kabutihan ng Diyos ang nag-aakay sa iyo tungo sa pagsisisi? Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ang puso mo'y ayaw magsisi, lalo mong pinabibigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw ng poot ng Diyos, kung kailan ihahayag niya ang kanyang makatarungang paghatol.

Read full chapter