Add parallel Print Page Options

10 Ngunit bibigyan ng Dios ng papuri, karangalan at kapayapaan ang lahat ng gumagawa ng kabutihan, una ang mga Judio bago ang mga hindi Judio. 11 Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Dios sa lahat ng tao.

12 Ang mga taong nagkakasala na walang alam sa Kautusan ni Moises ay mapapahamak,[a] at ang kaparusahan nila ay hindi ibabatay sa Kautusan. Ang mga nakakaalam naman ng Kautusan ni Moises, pero patuloy na gumagawa ng kasamaan ay parurusahan na batay sa Kautusan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:12 mapapahamak: sa Ingles, will perish.