Add parallel Print Page Options

16 Magbatian kayo ng banal na halik. Bumabati sa inyo ang lahat ng mga iglesya ni Cristo.

Mga Dagdag na Tagubilin

17 Ipinakikiusap ko sa inyo, mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga pinagmumulan ng pagkakampi-kampi at sa mga sanhi ng pagkatisod, na salungat sa aral na inyong natutuhan. Layuan ninyo sila. 18 Sapagkat ang mga katulad nila ay hindi kay Cristong ating Panginoon na pinaglilingkuran kundi sa sarili nilang tiyan. Dinadaya nila ang mga puso ng mga walang muwang sa pamamagitan ng kanilang pananalita na maganda sa pandinig at may mapagkunwaring papuri.

Read full chapter