Add parallel Print Page Options

16 Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Cristo.[a] Kinukumusta kayo ng lahat ng iglesya ni Cristo rito.

17 Mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila. 18 Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa sarili nilang hangarin[b] sila sumusunod. Dinadaya nila ang mga kulang sa kaalaman sa pamamagitan ng mahuhusay at magaganda nilang pananalita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:16 bilang mga magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
  2. 16:18 sarili nilang hangarin: sa literal, ang kanilang tiyan.