Add parallel Print Page Options

15 Binabati ko rin sina Filologo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at ang lahat ng kapatid na kasama nila.

16 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.[a] Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.

Mga Dagdag na Tagubilin

17 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16 bilang magkakapatid na nagmamahalan: Sa Griego ay sa pamamagitan ng banal na halik .