Add parallel Print Page Options

21 Higit na mabuti ang hindi kumain ng laman, o uminom ng alak, o gumawa ng anumang bagay na makakatisod, o makakapagdulot ng pagdaramdam o maka­­ka­­pagpahina sa iyong kapatid.

22 Ang pananampalatayang nasa iyo ay iyong panatilihin sa iyo, sa harap ng Diyos. Pinagpala ang taong walang kahatulan sa sarili dahil sa mga kinikilala niyang katanggap-tanggap. 23 Ang nag-aalinlangan kapag kumain ayhinatulan na dahil hindi siya kumakain na may pananampalataya. Ang lahat ng bagay na hindi sa pananampalataya ay kasalanan.

Read full chapter