Add parallel Print Page Options

12 Papalipas na ang gabi at ang bukang-liwayway ay malapit na. Kaya nga, hubarin na natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot na natin ang baluti ng liwanag. 13 Mamuhay tayong marangal tulad ng pamumuhay ng tao kapag araw. Hindi tayo dapat mamuhay sa magulong pagtitipon at paglalasing, hindi sa kalaswaan at sa kahalayan, hindi sa paglalaban-laban at sa inggitan. 14 Sa halip, isuot natin ang Panginoong Jesucristo at huwag magbigay ng pagkaka­taong gawin ang pagnanasa ng laman.

Read full chapter