Add parallel Print Page Options

12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.[a] 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12 Layuan na natin...ng mabuti: Sa Griego ay Iwaksi natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot ang baluti ng kaliwanagan .