Font Size
Roma 13:12-14
Magandang Balita Biblia
Roma 13:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.[a] 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Read full chapterFootnotes
- Roma 13:12 Layuan na natin...ng mabuti: Sa Griego ay Iwaksi natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot ang baluti ng kaliwanagan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.