Font Size
Roma 12:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Roma 12:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.
Read full chapter