Add parallel Print Page Options

18 Kung maaari, yamang ito ay nasasa­inyo, mamuhay kayong may kapayapaan sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, sa halip, bigyan ninyo ng puwang ang galit ng Diyos sapagkat nasusulat:

Ang paghihiganti ay sa akin, pagbabayarin ko sila sa kanilang ginawa.

Ito ang sinabi ng Panginoon.

20 Kaya nga:

Kapag nagutom ang inyong kaaway, pakainin mo siya. Kapag nauhaw siya, painumin mo siya sapagkat kapag ginawa mo ito, bubuntunan mo ng nagbabagang uling ang kaniyang ulo.

Read full chapter