Add parallel Print Page Options

15 Makigalak(A) kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa(B) kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16 makisama kayo kahit sa mga dukha: o kaya'y ialay ninyo ang inyong sarili maging sa mga gawaing mabababâ .