Add parallel Print Page Options

15 Makigalak kayo sa mga nagagalak; makitangis sa mga umiiyak. 16 Magkaisa (A) kayo sa pag-iisip. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makisama sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na napakagaling ninyo. 17 Huwag ninyong gantihan ang masama ng masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa paningin ng lahat.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 12:16 makibagay maging sa mga dukha: O kaya'y ialay ninyo ang inyong sarili sa mga gawaing mababa.