Add parallel Print Page Options

24 Kung ikaw na sangang galing sa ligaw na olibo ay naidugtong sa inaalagaang olibo kahit salungat sa likas na paraan, lalo pang maaaring idugtong ang mga likas na sanga sa sarili nitong puno.

Ang Panunumbalik ng Israel

25 Mga kapatid, hindi ko nais na kayong mga Hentil ay maging mataas ang tingin sa sarili. Kaya't nais kong maunawaan ninyo ang hiwagang ito. Nagkaroon ng pagmamatigas ang isang bahagi ng Israel, hanggang makapasok ang kabuuang bilang ng mga Hentil. 26 Sa (A) ganitong paraan maliligtas ang buong Israel. Gaya ng nasusulat,

“Magbubuhat sa Zion ang sasagip sa atin;
    aalisin niya ang kasamaan mula sa lahi ni Jacob.”

Read full chapter