Add parallel Print Page Options

Sa pamamagitan niya ay tumanggap kami ng kaloob na maging apostol, upang ang lahat ng mga bansa ay akayin sa pagsunod na nagmumula sa pananampalataya, alang-alang sa kanyang pangalan. Kabilang kayo sa mga ito, sapagkat kayo ay mga tinawag din ni Jesu-Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag na maging banal: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama, at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Read full chapter