Add parallel Print Page Options

27 Ganoon din ang mga lalaki: iniwan nila ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, at sa kapwa lalaki nag-alab ang kanilang pagnanasa. Gumagawa sila ng kahalayan sa isa't isa, kaya't sila'y tumatanggap ng parusang nararapat sa kanilang masasamang gawa. 28 At palibhasa'y nagpasya na silang hindi kilalanin ang Diyos, hinayaan na ng Diyos na pagharian sila ng mahalay na pag-iisip at ng mga gawang kasuklam-suklam. 29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, at kahalayan. Naghari sa kanila ang pagkainggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis,

Read full chapter