Add parallel Print Page Options

24 Kaya't hinayaan na sila ng Diyos sa maruruming pagnanasa ng kanilang mga puso, hanggang sa sila'y masadlak sa paggawa ng kahalayan sa isa't isa. 25 Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos at sila'y sumamba at naglingkod sa mga bagay na nilalang sa halip na sa Lumalang, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen. 26 Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng kanilang kababaihan sa mga lalaki sa likas na paraan kundi mas nais nilang makipagtalik sa kapwa babae.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 1:26 Ayaw...kapwa babae, sa Griyego,, ipinagpalit ang likas na pakikipagtalik sa di-likas.