Add parallel Print Page Options

Ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong inihanda para sa labanan. Sa kanilang mga ulo ay mayroong gantimpalang putong katulad ng ginto. Ang kanilang mga mukha ay katulad ng mga mukha ng tao. May mga buhok silang katulad ng buhok ng babae. Ang kanilang mga ngipin ay katulad ng ngipin ng leon. May mga baluti sila sa dibdib na katulad ng mga baluting bakal. Ang ugong ng kanilang mga pakpak ay katulad ng ugong ng mga karuwahe ng mga kabayong dumadaluhong sa labanan.

Read full chapter