Add parallel Print Page Options

Sila'y pinayagang pahirapan ang mga taong ito sa loob ng limang buwan, ngunit hindi sila pinayagang patayin ang mga ito. Ang pagpapahirap nila ay tulad ng pagpapahirap ng isang alakdan kapag kumagat ito sa tao. Sa (A) mga araw na iyon, nanaisin ng mga tao ang mamatay, subalit hinding-hindi ito mangyayari sa kanila. Maghahangad silang mamatay, ngunit lalayuan sila ng kamatayan.

(B) Tulad ng mga kabayong inihanda para sa labanan ang anyo ng mga balang. May tila mga koronang ginto sa kanilang mga ulo; ang mukha naman nila ay parang sa mga tao.

Read full chapter