Add parallel Print Page Options

At nang binuksan niya ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. Nakita ko ang isang kabayong maputla. Ang pangalan ng nakaupo roon ay Kamatayan. At sumunod ang hades sa kaniya. Binigyan sila ng kapama­halaan na patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng lupa, ng tabak at ng gutom at ng kamatayan at sa pamamagitan ng mabangis na hayop ng lupa.

At nang binuksan niya ang ikalimang selyo, sa ilalim ng dambana, nakita ko ang mga kaluluwa ng mga taong napatay dahil sa Salita ng Diyos at dahil sa patotoong taglay nila.

Read full chapter