Add parallel Print Page Options

At isa pang kabayo ang lumabas, ito ay pula. At ibinigay sa kaniya na nakaupo dito na pawiin ang kapayapaan sa lupa upang magpatayan sa isa’t isa ang mga tao at binigyan siya ng isang malaking tabak.

Nang buksan ng Kordero ang ikatlong selyo, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. At nakita ko, narito, ang isang itim na kabayo. Ang nakaupo rito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi: Gawin mo na ang halaga ng isang takal ng trigo ay isang denaryo at ang tatlong takal na sebada na isang denaryo. Huwag mong pinsalain ang langis at alak.

Read full chapter