Add parallel Print Page Options

At isang (A) pulang kabayo ang lumitaw, ang nakasakay doon ay pinahintulutang alisin ang kapayapaan sa daigdig, nang sa gayon ay magpatayan ang mga tao, at siya ay binigyan ng malaking tabak.

(B) Nang buksan ng Kordero ang ikatlong tatak, narinig ko ang ikatlong buháy na nilalang na nagsasabi, “Halika!” Tumingin ako at naroon ang isang itim na kabayo, ang nakasakay doon ay may hawak na timbangan. At narinig ko ang parang isang tinig sa gitna ng apat na buháy na nilalang na nagsasabi, “Isang takal na trigo para sa isang denaryo,[a] at tatlong takal na sebada, subalit huwag mong pinsalain ang langis at ang alak!”

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 6:6 katumbas na isang sahod ng manggagawa.